"Kung
paanong ang oras ay gumagalaw bawat segundo ang buhay mo ay patuloy na nagbabago,"
Lahat ng bagay sa
mundong ito nagbabago, hindi pedeng ang isang bagay ay manatili na lamang sa
kanyang unang kalagayan. Lumalaki ang isang sanggol, tumutubo ang halaman at
nalalanta, umuulan at umaaraw, magyeyelo sa kabilang panig ng mundo at mainit
sa kabila. Lahat nagbabago, isang araw ang saya ng mood mo pakanta kanta pa,
pagkagising mo isang umaga ang weird na ng pakiramdam mo. Umiiyak ka dahil sa
masamang pangyayari tapos maya maya lamang tatawa ka nalang dahil sa isang joke
na iyong narinig. Ang totoo ang tao ay nagbabago, hindi ka nananatili
magpakailanman na bata, lalaki at lalaki ka sa pagtanda. Kaya impossible ang
demand natin minsan sa isang tao na “please wag kang magbabago” unfair
ito sa part niya kung tutuusin, hindi mo man lamang binigyan ng chance
ang taong ito na kung siya ay mabuti na
sa iyong paningin ay mas maging mabuti pa siyang tao. At kung siya ay hindi
naman mabuti ay mamanatili na lamang siyang ganun habang panahon.
Nababago
ang tao, sa positibong perspektibo magandang balita ito, sapagkat kung dati ang
tingin mo sa sarili mo ay hindi tama ang katotohanan ay maari ka pang mabago
para maging tama.
Marami nga lang nagsasabi “sana, baka, o pede isang araw mabago din ako, kung baga inaasa
natin sa bukas o sa darating na araw ang ating pagbabago na maari naman nating
maging desisyon ngayon. Hindi oras ang makakatulong satin kundi ang
pagbabago mismo.
Sa totoo lamang wala naman talagang tao ang nagbago sa kanyang
sariling kakayanan nang malayo sa biyaya ng Diyos, “naalala ko noong bata
pa ako dahil laki ako sa Kristyanong
pamilya, akala ko mabuti na akong bata at maayos na sa paningin ng mga tao..
hindi ako makulit hindi ako palaaway, takot ako magsinungaling at kapag sobra ang sukli
sa akin ng tindero alam ko na kailangan kong isauli iyon pabalik at sinasauli
ko nga. Napatunayan ko, na ang pamantayan ng tao sa kabutihan ay ang mga bagay
na madaling makita at karamihan ay mga panlabas lamang na maaaring meron ako
noong bata at hanggang sa ngayon, subalit naunawaan ko, na ako ay isang
makasalanan at kailangan ko ang Diyos upang mabago ang aking buhay. Dumating ako sa punto na nakita ko ang sarili ko na lugmok sa kasalanan, at nakita ko ang kasamaang dulot nito. Sa madaming pagkakataon ang problema sa tao ay ito, "hindi siya mag-nanais na mabago hanggang hindi nya nakikita ang pangangailangan na magbago at kapag hindi pa sya umiiyak at nasasaktan sa kanyang di pa nababagong buhay.. ang maliit na mali kapag pinabayaan ay pedeng lumaki at magdala mas malaking kapahamakan,subalit kung ngayon palang mababago na tayo eh magiging maayos tayo hanggang sa darating na bukas.
Uyyy.. BAGO, bagong girlfriend (naks), bagong kotse (yaman) bagong bahay (ayos yan) bagong gadget (kaw na) walang masama sa mga iyan ngunit isipin mo na lahat tayo ay mamamatay at lahat ay pansamantala lang, isa pa nyan kahit hindi tayo aware ay mag-iiwan at mag-iiwan tayo ng marka sa buhay ng iba, malungkot kung sa araw ng libing natin ay ganito ang usap-usapan nila "mabuti at kinuha na siya ni LORD, nabawasan nang isang masama sa mundong ito" tsk.. tsk.. Sana kapag nawala tayo may makapagsabi ng ganito " naging magandang halimbawa siya sa buhay ko upang ako ay mag-bago"
kung may isang naisin tayo na pinakang-naisin din ng Diyos ay ito ang hingin sa Biyaya nya na tayo ay mabago. Ang Pag-asa na mayroon tayo ngayon ay ang hindi nag-babagong Diyos na kayang magbago ng buhay.
-isang mapagpalang araw-

