Nabasa ko minsan na sinabi ni
pacman, “Even if you worked hard if you don't
have God, you are nothing! Sa lahat ng laban ni Pacquiao kahit noong siya
ay nagsisimula pa lamang ay hindi na matatawaran ang kanyang dedikasyon sa
larangan ng palakasan na kanyang pinili. Hindi uubra sa boxing ang
pabanjing-banjing na training lamang, alam ng isang mahusay na manlalaro na
kailangan niyang magpagod, mag-ensayo, magpawis, masaktan upang lalong gumaling
sa kanyang mga laban. At kung paanong nadating ni Pacman ang tagumpay na mayroon
siya ngayon, ito ay dahil puspusan niyang inilaan ang kanyang oras, lakas at
puso sa bawat ensayo hanggang sa laban.
Ang totoo hindi lang naman ngayon natalo
si Pacquiao, natalo narin siya sa iba niyang mga laban noong hindi pa siya
ganoon kasikat, mas ramdam lang natin ang lungkot ngayon kasi inaasahan natin na
hindi na siya matatalo at mapapatumba. At kasabay noon, iniisip natin ang
reputasyon na nakataya sa kanyang kalugmok-lugmok na pagkatalo. hindi naman
siya si Superman, hindi din naman siya Super hero na wala nang posibilidad na
matalo, isa din siyang tao bumabagsak, nasusuntok at na k-K.O. Sabi nga ni
Howie Day “Even the best fall down sometimes”
At hindi rin naman ibig-sabihin nito na
nawalan na ng saysay ang lahat ng kanyang pag-pupursige dahil sa isang
pagkatalo lamang. Ang pagkatalo ay masasabi nating magaganap sa buhay ng tao sa
sandaling siya ay bumagsak tapos
mananatili na lamang siyang lugmok at hindi na tatayo. Mas nasusubok ang isang
tao sa oras ng kanyang pagkabigo, at ang puso ay tumatatag sa mga
pagsubok. Ang batayan ng tunay na pagkapanalo ay kung paano mo idedeal ng
matalino ang sitwasyon pagkatapos mong matalo.
Hanga parin ako kay Pacquiao, sinasalamin
lang niya ang katotohanan na ang mga tao ay nanghihina parin, nauubusan ng lakas, at katulad ng sinabi nya, na kahit
pag-trabahuhan nya ang mga bagay-bagay kung wala naman siyang Diyos, wala parin
siyang halaga. At dito siya panalo, na kinikilala niya ang Diyos na nagbibigay sa kanya ng lakas at buhay at iginagalang niya
ang soberanong paggawa ng Diyos anuman man ang naging resulta ng mga laban niya sa kanyang buhay. Nawa sa nangyaring ito ay matutuhan pa niya na "ang pinakamalalakas na mga tao ay ang mga pinakamahihina na umaasa lamang sa lakas at biyaya na ibinibigay sa kanya ng Diyos". Yan ang panalo..^___^


