Wednesday, July 20, 2011

Lay it all down...

" May isang dakilang tagapamahala ang namumuno sa isang maliit na grupo ng mga tao, isang araw may dumating na mananakop galing sa isang makapangyarihang nasyon, kinukob at kinuha ng mga ito ang kanilang ari-arian at mga tao. Nanlulumo siya sa kanyang nakita at hindi na nagdalawang isip pa ang pinunong ito, na kausapin ang heneral na namamahala sa pagkubkob, "ngayo'y sumusuko ako at ibinibigay ang aking sarili bilang kapalit sa buhay ng aking mga tao", bagamat kaya naman ng Pinuno na lumaban, pinili niyang sumuko para hindi na mapahamak ang kanyang nasasakupan. Ang Heneral ay tinanggap ang kanyang alok at siya'y ipinapatay. Inisip niya na sana dumating ang araw na lumakas ang kanyang mga tao at tuluyang makamtan ang kalayaan na kanilang dating ipinamumuhay.

Add caption
Sabi nang marami, karuwagan daw ang pag-suko o pag-atras sa isang labanan... Maaring  tama naman, sa mundo ba naman natin na ang laging sigaw at pinaglalaban ay ang kanyang sariling kapakanan sino ang hindi lumalaban? Pero ilagay natin sa sitwayson na ikaw ay tinututukan ng baril ng isang magnanakaw, ano kaya ang iyong gagawin? Sa aking pakiwari, susuko ka at ibibigay ang kanilang kagustuhan. Dahil mahal mo pa ang iyong buhay..

Minsan hindi naman talaga karuwagan ang pagsuko, ang totoo mali lamang ang interpretasyon nang iba tungkol dito.

"Sa isang kriminal na pinaghahanap ng batas, mas mainam na siya'y lumantad at sumuko sa awtoridad baka sakaling sa kanyang hindi paglaban ay magkaroon pa siya ng bagong buhay. 
Sa isang adik na lulong sa mga bisyo, mas maayos kung isusuko at titigilan niya ang mga ito, baka sakaling  mabago siya at mamuhay pa ng masagana kasama ang kanyang pamilya."

"May mga oras at pagkakataon na hinihingi ng panahon ang iyong pagsuko at itoy nakadepende sa sitwasyon."


Subalit, ang ating buhay bilang Kristyano ay nagsisimula at nagpapatuloy sa pagsuko. At ito ang pinakamagandang ilustrasyon ng "Pagsuko."

Walang tao ang nag-alay nang kanyang buhay sa Diyos ang hindi nagkamit ng tunay na kaligayahan, sa kabilang banda ang mga pinakamalulungkot na tao sa mundo ay yaong patuloy na lumalaban sa Diyos, sa pamamagitan ng kasalanan at pasuway sa kanyang utos.

Naniniwala ako, na walang tao na nagpakumbaba sa Panginoon ang hindi niya pinakinggan, may lugar sa puso ng Diyos ang mga nag-papakumbaba at umaamin sa kanilang mga kasalanan at bukod pa doon siya ay handa ring magpatawad sa mga tao na magsusuko ng kanilang buhay. Maniwala ka sana na walang kapahingahan ang taong malayo sa Diyos.  

Ito'y isang Panawagan ng pagsuko....Ang Diyos lamang ang may kayang magbago ng buhay..

Pagpalain ka nawa ng Panginoon..:)





No comments:

Post a Comment