May mga salitang lumilipad naglalaro sa
aking isip
Ito at naghihintay lamang
na magsama-sama lahat ng mga titik
Nangungusap, bumubulong ng pilit
Nais na makausap, malaman mo kahit saglit
Ang tunay kong kalagayan
Na hindi lingid at iyong nalalaman
Alam kong parte ka ng aking buhay
Nakaharap sa salamin habang binubulay
Sa mga mata mo ako ay nakatingin
May mga luha akong napansin
Kusang bumabagsak kahit iyong pinipigil
Ito lamang kaibagan ang aking bilin
Kung sa tingin mo ang puso ay nabibigatan
Dahil batbat ng sari-saring kabiguan
At hindi mo na maintindihan
Kung saan mas mainam na dumaan
sa kaliwa o sa kanan
Deretso o talikuran na lamang
Ang lahat ng iyong nalampasan?
Hindi ito ang panahon ng pagsuko
Hindi rin ito panahon ng pagtakas
papalayo
Lahat naman ay bumabagsak at nabibigo
Ang araw at buwan minsan lang din kung
magtagpo
Hindi mo man lubos na maunawaan
Ang nangyayari sa kasalukuyan
Di na magtatagal at makikita mo nang
mukhaan
Ang sa mga luha mo’y siya ang
magtatanggal
Maglalagay ng ngiti na di na mapaparam
….Magpakailanman
Lilipas din ang gabi
Dadaan lamang na parang sandali
