Hindi
ko alam paano sisimulan
Ang
tula para sa isang kaibigan
Kapatid na maituturing di man sa dugo
Ngunit
nag-iwan na ng lugar dito sa aking puso
Isa,
tatlo o dalawa
Ngayon
ay nasaan ka na?
Di
mo pa ba nakikita?
Takip
silim ay nalalapit na,
Hindi
madaling magtago
Sa
nagkukubling mga puno
Darating
ang araw
ang
mga ito’y mabibigo
At
sa init silay matutuyo
Unti-unting
mawawala
mga
dahon na dati ay iyong ikinatuwa
at
sa ihip ng hangin
lantang
kalagayan nila malalantad na tila
at
ikaw ay tatakbo ng tatakbo
maghahanap
ng panibago
kahit
alam mo naman ang layo
ng
simula hanggang sa dulo
Palipat
-lipat paikot- ikot
Paligoy-ligoy,
pasikot-sikot
Hakbang
palayo, palayo ng palayo
Ngayon
ang tanaw sayo ay lubhang malabo
parang
walang kapaguran batid mo naman
na
ikaw ay nasasaktan
masasabi
mo ba sa akin
payapa
ka sa iyong kalagayan?
Sana
muli ay magbalik
Sa
iyong dati at unang pag-ibig
Itong
luha nawa umabot hanggang sa langit
Hanggang
sa pawiin niya ang mga ito
sa
iyong muling pagbabalik.
No comments:
Post a Comment